Date of Interview: 2009.07.27
Interviewee: Ohno Satoshi
Language: Tagalog
Q: Kung pwede kayong magswap ng katawan ni Nino sa loob ng isang oras lang, anong gagawin mo habang nasa katawan ka ni Nino?
A: Ano nga kayang gagawin ko? Sasakay akong barko tapos mangingisda. Gusto ko lang malaman kung naging si Nino ako, makakaramdam pa rin kaya ako ng seasickness? (^_^) Siguro pag nagkapalit kame ng katawan ni Nino malalaman ko na kung gaano kahirap yung pinagdadaanan nya pag nasiseasick sya.
Q: Ang daming tanong tungkol kay Nino. Ano kay Nino ang gustong-gusto mo?
A: Lahat. Ay ano ba yung sinasabi ko? (^_^) (Pinakita ni Ohno samin yung gamit nya na may nakadikit na mukha ni Nino) To, sya yung nagdikit nito eh. (^_^) (Tapos tinuro nya yung game console ni Nino na may nakadikit namang picture nya) Pareho kaming may nakadikit na picture sa gamit ng isa't isa.
Q: Close naman nyo (^_^). Meron ka bang hindi pa nasasabi sa mga kagrupo mo?
A: Parang wala. Lahat naman kase nasasabi ko sakanila.
Q: Kung papipiliin ka, sino ang pipiliin mong assistant leader sa mga kagrupo mo?
A: Wala rin naman masyadong trabaho ang leader eh. (^_^) Pero kung papipiliin ako, si Sho ang pipiliin ko. Kase si Sho, matino saka talaga namang maasahan.
Q: Anong linya sa kantang 'Everything' ang pinakapaborito mo?
A: (Summer kasi kinunan yung interview) Di ba kase magaang pakinggan yung kanta saka medyo summer ang beat. Kaya bagay na bagay sya ngayong summer. Pagdating naman sa favorite phrase ko, gusto ko yung last part yung 'Hashire! Hashire!' (Takbo lang ng takbo!) kase ang ganda lang sa pakiramdam.
Q: Ilang beses ka naring nagbida sa mga dramas saka naghohost din kayo ng sarili nyong variety shows. Pinapanuod mo ba yung dramas saka variety shows na nilalabasan mo?
A: Masmadami ata yung napanuod ko yung drama after magawa ng production kesa sa mapanuod ko sya sa tv. Maganda ding napapanuod ko yung output kase naedit na yun, masmadali nang intindihin yung drama pag ganun. Pagdating naman sa variety shows, minsan nanunuod ako (^_^).
Q: Twing kelan saka san ka nagmememorize ng lines mo sa drama?
A: Madalas sa kwarto ko sa bahay. May times na binibigkas ko talaga yung lines para mamemorize ko pero hindi ko kase masyadong napapansin kung paano ako nagmememorize kaya di ko din alam kung pano (^_^).
Q: Mukhang mahirap maging hosto dahil nga kelangan nababasa mo yung nasa isip ng kliyente mo. Pero di ba nasabi mo minsang gusto mong maging isang hosto?
A: Oo. Hindi ko alam pero dati gusto kong maging hosto. Mukha kasing nakakatuwa yung trabaho. (^_^)
Q: Tingin mo ba alam mo kung pano mapapasaya ang mga kababaihan?
A: Sobrang... hinde (^_^). Ni hindi ko kayang makipagtawaran. Parang puzzle ang mga kababaihan eh.
No comments:
Post a Comment