Ang Pagbabalik

Kumusta naman!

Pagkatpos ng pagkatagal-tagal kong pananahimik, ako po ay nagbabalik. Talagang hinahanap-hanap ng katawan ko ang pag update ng blog na to.

Para dun sa mga naghahanap ng subs, mukhang makakapagsub na uli ako. Makakaupload narin ako ng subs ko kaso nga lang, malamang sa malamang, sa d a i l y m o t i o n ko nalang maaupload ang mga gawa ko.

Matagal ko ring pinag-isipan kung kelangan ko pa ba silang iupload sa mga online file storage. Hanggang sa maisip kong wag na.

Lahat sila Tagalog hardsubs. Walang English sa ngayon. Pinag-iisipan ko palang kung maga-upload ako ng English. Basta yung magupload ko na sa Tagalog, baka hindi ko na gagawan ng English version.

Meron na akong unang installment na nakasalang sa d a i l y m o t i o n. Inaantay ko nalang na maprocess sya. Pagkatapos nun, ready to link na ako. Walang passwords, walang restrictions. Basta kung san masmapapakalat ang kaadikan sa mga mamang ito, dun ako. winkwink.

No comments: