[TAGALOG TRANSLATION] - 2011.11 - Only Star

"Sa ngayon, kung di rin lang kaming lima, hindi masaya"

-- First time nyo tong magkakaron ng project sa NHK bilang group. Ano'ng masasabi nyo tungkol dito?
OHNO: Masasabi... (inabot yung mic sa katabi nya na si Nino)
NINO: (Walang sinabi, at ipinasa lang sa katabi nyang si Sho yung mic)
SHO: (Tinanggap yung mic) Ako ba? Yung gusto kong sabihin? (^_^) Nung nagkaron ako ng project dito dati, sobra yung response dahil napapnood sya sa lahat ng sulok ng Japan. Sa susunod naman, masaya kasi magkaksama kaming lima. Tapos yung program naman, maraming iba't ibang lugar yung mafifeature so yung audience mapapa "uy! probinsya ko yan ah!". Tingin ko, maraming manunuod.
JUN: (nagraise ng hand, inabot ni Sho yung mic sakanya) Honestly, ang saya ko kasi yung pangalan ng group namin, nasa title. Syempre, gusto naming bigyan ng lakas yung mga viewers at sana maramdaman nila yung intention namin na yun. (Itinutok yung mic kay Aiba)
AIBA: Okay na. Tama na yung dalawa. Nasabi nyo na yung gusto ko sabihin.(^_^)

-- Kumusta naman yung pagpunta nyo sa mga probinsya?
NINO: Bagong experience para sakin. Pumunta ako sa province kung san ginawa yung pinakaunang soy sauce sa Japan. Yung family na dinalaw ko, sila nalang yung kaisa-isang family na gumagawa ng soy through yung traditional method. Inalam ko kung ano yung thoughts ng family sa isa't isa. Nalaman nila kung ano yung thoughts ng isa't isa through this project. Itong byahe kong to papunta sa province eh medyo may kinalaman sa bond na nagbubuklod sa isang family.
AIBA: Ako naman, nagpuntang Ariake at binigyan ng chance na maexperience yung mud flat (malaking field ng putik pag lowtide pero hindi visible pag high tide) dun. Marami akong ginawa dun. Nagtry akong lumangoy sa putik, humuli ng mudskipper. Pinatry nila sakin yung paraan ng locals dun ng pangingisda ng mudskipper. Napakagandang experience nun tapos amazing yung place na pinuntahan namin.
JUN: Nangisda ka ba talaga?
AIBA: Oo, nangisda ako.
JUN: Ano'ng nangyare?
AIBA: Uh.... kung sa nakahuli ako o hindi... panuorin nyo nalang.
NINO: Yung mga taong tingin nila di nakahuli si Aiba ng isda (itaas ang kamay!)
JUN&SHO&OHNO: Hindi! (Niraise nila lahat kamay nila)
AIBA: Mali! Mali! Mali! (^_^) Pag nalaman ng readers yung resulta hindi na nila papanuorin yung show!
NINO: Okay lang. Papanuorin parin nila yung amin. Yung iyo lang ang hindi.
AIBA: Parang mali naman yun. Hindi naman sila ganun kagaling maglipat ng channel di ba? (nasa buong show din kasi si Aiba. Ibig sabihin ni Aiba, hindi naman siguro ganun kagaling ang viewers na kaya nilang ilipat yung channel pag lalabas sya sa screen)
APAT: Hahahahahahah
AIBA: Panuorin nyo please, tapos tignan nyo nalang kung anong mangyayare, please. (^_^)

-- Ikaw naman Mr. Sakurai, di ba nagpunta ka sa Fukuyama Prefecture para dumalaw sa isang babaeng kakaiba ang interest sa agriculture?
SHO: Oo. Dumalaw ako sa isang 25-year old farmer na matatawag ding "makabagong babae". Actually graduate sya ng isang school dito sa Tokyo pero pinili nyang umuwi ng province at tumulong sa parents nya sa pagtatanim right after nyang grumaduate. Sa segment ko, malalaman nyo kung bakit nya naisipang gawin yun. Pinakain nya din ako ng fresh na egg on rice.
JUN: Hmmm...
SHO: Ang sarap! Tapos yung mother nya, gumagawa ng ceramics. Binigyan nya kami (buong Arashi) ng tea cups. Nagjakenpoy kami tapos yung mananalo may chance sya piliin yung tea cup na gusto nya. Sobrang saya namin.
APAT: Salamat po~!
SHO: Peram nitong opportunity para magthank you (^_^)

-- Si Mr. Matsumoto naman, pumunta sa Kawaguchi City, Saitama Prefecture
JUN: Dumalaw ako sa isang gumagawa ng bag. Hindi sya talaga gumagawa ng bags pero dati, ang ginagawa nya, airplane parts. Marami syang pinagdaanan before sya nagstart gumawa ng bags. Nagpunta ako dun para interviewhin sya tungkol sa pinagdaanan nya pero habang nagkukwento sya, nafeel ko yung lakas nya at nabilib ako na di sya sumuko. Sana maramdaman din nung audience yung nafeel ko nung time na yun. So... Mr. Ohno.
OHNO: Yes! Nagpunta ako sa Onagawachou, Miyagi Prefecture, isa sa mga talagang nadamage nung earthquake. Nameet ko dun yung local hero nila na si Eager. A year ago lang nacreate si Eager pero nung natsunami sila, naanod lahat ng gamit nila so nagstart uli sila from scratch. Sobra yung desire nila para pangitiin yung mga bata saka para pasayahin yung buong town. Natouch ako nung napanuod ko yung actual na show. Sana panuorin nyo rin to.

-- Di ba lagi kayong bumibili ng pasalubong para sa ibang members pag bumibyahe kayo? This time, ano naman yung mga binili nyo para sa ibang members?
OHNO: Huh?
NINO: Huh?
OHNO: Ako di bumili.
SHO: Ako.... din hindi bumili.
AIBA: Ako... hindi bumili.
JUN: Ako, Saitama lang kasi eh (malapit lang)
AIBA: Siguro ano... Busy lang siguro kasi lahat.
NINO&SHO: O... oo ata?
JUN: Pero nakatanggap kame ng tea cups mula kay Sho (bigay ng binisita ni Sho). Masaya nga ako kase nakareceive ako ng something na makakaremind sakin na minsan eh ginawa namin to.
AIBA: (Full force) Uhmmm! Ako, bumili! Pero balak kong iabot senyo pag nagtape na tayo.
SHO: Ba't mo sinabe?!
AIBA: Eh kasi.
NINO: Ano'ng ginawa mo?!
AIBA: Eh hindi ko natiis! Itong gantong klaseng atmosphere! (^_^)
SHO: Eh di pag iaabot mo na samin yung pasalubong parang "a okay" nalang kame?
AIBA: Syempre hinde, dapat "Haaa~?!" ganun pa din, masaya parin reaction nyo!
SHO: (^_^) Pero kung ganon narin lang, ako din meron.
NINO: Ako din meron, siguro makakatikim kayo ng soy.
AIBA: Eh meron naman pala kayong pasalubong. Magdadala kang soy sa set?
NINO: Kung sa magdadala, oo magdadala ako. Pero kung makakain nyo yun, kayo na bahala.
JUN: Ha?
AIBA: Ano kaya yun?
SHO: Ang lupit mo naman!
NINO: Eh segment ko naman kasi yun.
AIBA: A, oo nga, iba-iba pala tayo. Iba-iba pala yung pinuntahan naten.
NINO: Oo nga.
SHO: A ganun? So pag nagtape na?
NINO: Surprise!
AIBA: Oo, may element ng surprise.
NINO: I'm sure naman na bawat isa satin meron.
JUN: Leader, ikaw?
OHNO: Ako? Well... antayin nyo nalang.
JUN: Mukhang wala.
OHNO: Fu fu fu (^_^)

-- Di ba nagkaron kayo ng chance to meet different kinds of people na iba iba yung work na ginagawa. Ishare nyo naman samin yung narealize nyo pagdating naman sa sarili nyong trabaho bilang member ng "Arashi".
OHNO: Well, magrerelease kame ng single today, at 12 years na naming ginagawa to. Syempre dahil nga bigla nalang kaming pinagsama-sama sa isang group, nung umpisa hindi pa ganon kalalim yung relationship namen. Pero habang lumilipas yung panahon masnakikilala namin yung isa't isa. Ngayon, feeling ko, kung di rin lang kaming lima, hindi magiging ganto kasaya.
NINO: Oo, thankful din ako na mula nung debut namen magkakasama kame hanggang ngayon. At gagawin pa namin yung best namin at susubukan namin tumagal dito sa industriyang to hanggat kaya namin. Pag naiisip ko magkakasama parin kaming ginagawa to eh sobrang gratitude ang nararamdaman ko.
AIBA: Hindi ko inexpect dati na aabot kami ng 12 years kaya napakasaya ko. Mula ngayon, mag-eenjoy pa kami lalo, saka sa lahat ng mga sumusuporta samin sana maslalo pa namin kayong mapasaya. Lahat na kami dun.
SHO: Lahat daw? (^_^)
JUN: Di pa ko nagsasalita. (^_^) Masaya ang trabaho pag kasama ko tong 4 na to. Medyo matagal na mula nung last na nagkasama-sama kami ng ganto at narealize ko na iba talaga pag sila yung kasama ko. Araw-araw akong nagpapasalamat para dun.
SHO: Sakto nga kagabe, pagpatak ng alas dose, nakareceive kame ng text message galing sa manager namen saying "congratulations!". Tapos nun nagtextan narin kaming lahat. Parang "12 years na noh" tapos "kayo na uli bahala sakin". Pero sayang kase si Mr. Ninomiya, nagbago ng number so hindi nya natanggap yung text namin.
NINO: Uhmmm (^_^). Pero sa totoo lang, ako lang yung...
SHO: Hindi nasendan ng text.
NINO: Pero yung manager naten, nakonsensya. Mga 1 PM kanina, natanggap ko yung text na yun.
SHO: I see. So nakapag "congratulations" sya at "thank you" ka pala.
NINO: Oo.
SHO: E ganun naman pala (^_^) Si Mr. Ohno, hindi nagreply. Nagreply sya senyo? (AIBA and JUN)
JUN: Hinde.
AIBA: Nde.
OHNO: Eh?
NINO: Ano yun, hindi mo nasend sa lahat yun. Dun lang yun nasend sa nireplyan mo.
OHNO: Ah, hindi nasend sa lahat?
SHO: Malamang sa manager lang naten mo nasend yun. (Manager - pinakaunang taong nagtext)
NINO: Oo kaya. Hindi ka talaga marunong gumamit nung reply to all. (^_^)
JUN: Sabihin mo nalang samin kung ano contents nung text.
SHO: Oo, sabihin mo nalang.
OHNO: Ha? Eh "thank you" lang yun... saka ano pa nga ba?
AIBA: Nakakahiya naman to (^_^)
OHNO: (Nalilito) Hindi, ano lang "Mula ngayon"?, ay hinde... uhmmmm "Salamat sa lahat".... A! Ayun! "Salamat sa lahat. Mula ngayon..." wait lang ha! Nahiya na ako eh. (^_^)
APAT: Hahahahahahahah
AIBA: Di ba! Nakakahiya?!
JUN: Pero sabihin mo samin ng maayos!
NINO: "Mula ngayon"?
OHNO: "Mula ngayon"... Eeeeh! "Sana masmagkaisa pa tayong lahat" parang ganun. Basta! Nagreply ako!
SHO: Pero sayang kase yung "sana masmagkaisa pa tayo" e yung manager lang natin ang nakatanggap.
OHNO: (Malakas na boses) Maraming salamat sa lahat!!
APAT: Hahahahahahahahaha

No comments: