Magazine: Chiba Walker
Date: Winter, 2011
Language: Filipino
Makinang ang bitwin ni Aiba Masaki sa larangan ng pagkanta, drama, commercials, variety shows, sa iba't ibang fields. Isa na dun yung pagiging host sa "Tensai Shimuura Doubutsuen" na 7 years na nyang ginagawa.
AIBA: Bago pa ako masali sa show, napapalibutan na talaga ako ng hayop. Meron kaming aso sa bahay tapos madalas kami pumunta sa mga zoo na mala Safari park dati. Alam mo ba, nung nagfeature kami ng chameleon sa show, naaliw ako. Kasi ang cute ng ichura nya pag humahaba yung dila nya para kumain ng cricket. Dati ayoko talaga sa reptiles pero ngayon nakucutan na ako sakanila (^_^).
Nakakarelieve din ang mga animals ng stress di ba.
AIBA: Oo totoo yan. Pag nararamdaman ko yung warmth nila, narerealize ko 'ah, buhay din to', natuto kang mag-alaga ng iba. Hindi ka lang naman kase nag-aalaga ng pet dahil cute sila di ba. Ang tao din siguro nagmamature by taking care of animals saka plants dahil natututo tayong maging responsible. One day, gusto ko sana mag-alaga ng malaking aso.
Pero imposibleng mag-alaga ka ng hayop dito sa Tokyo di ba?
AIBA: Oo nga di ba. Kasi ako lang mag-isa sa apartment. Pero sa Chiba (hometown ni Aiba) meron kaming aso dun na siguro mga 13 years old na. Pag umuuwi ako, nakikilala parin nya ako, sinasalubong pa rin nya ko. Pag may time, sinasama ko sya maglakad lakad dun. Mahal ko ang animals pero mahal ko din ang Chiba. Nasa puso ko ang pagiging taga-Chiba. Ako lang to (hindi dahil sinabi sakanya ng mga taga-Chiba na gawin yun) pero mula ngayon, gagawin ko pa ang best ko bilang isang taga-Chiba.
No comments:
Post a Comment