[TAGALOG TRANSLATION] - 2011 - +act. mini Vol.15 (Pages 8&9)

Parehong day nagstart yung filming ng "Kamisama no Karute" saka "Nazotoki wa Dinner no Ato De" (Nazodi). Anong masasabi mo dun?
SHO: Oo nga e. Parehong nagstart sila ng first day ng September.
(pareho lang ng araw pero 2010 pa nagstart yung filming ng Karute)

Natunugan mo bang gagawin mo tong dramang to habang nagshushoot kayo ng "~Karute"?
SHO: Hinde. Walang ganon.

Kelan mo nalamang gagawin mo tong dramang to?
SHO: Kelan na nga yon? This year mga... September ngayon?

Oo, September ngayon.
SHO: Masmadali naman ata kung tinignan ko nalang yung planner ko e noh. (^_^) Siguro mga May ko nalaman. Pagpunta ko sa office, sinabihan akong gagawin ko tong dramang to. Halos isang oras ata nila akong kinausap tungkol dito. Nung natapos yung meeting , pinag-usapan naman namin yung support na ibibigay namin sa mga victims nung earthquake kaya malamang nasa time na yun.

Nabasa mo na ba yung libro nung time na yun?
SHO: Actually ano, oo. Hindi naman ako talaga nagbabasa ng libro kaso yung friend ko, rather, isa sa mga juniors ko, sinabi sakin interesting yung book so binasa ko. Pero hindi ko yun binasa dahil gusto kong iact yung part nung lead ha.

Nung nalaman kong ikaw ang magpeplay ng role, binasa ko yung book tapos naisip ko nga na saktong sakto ka para sa role.
Nakakatawa yung naimagine ko.
SHO: Naimagine mo?

Oo. Pero di ba matangkad si Kageyama?
SHO: Well... pag nagsuot naman ako ng hills pwede na rin. (^_^)

(^_^) Kasi si Kageyama, "rational" saka "matalino". Mga traits na nasa role na naeenvision kong bagay mo iportray.
SHO: (^_^) Pero ito kung san san ko na nasabi, parang manga tong librong to. Ang ganda ng tempo ng story, na ambilis ng lipat ko ng page. Tapos yung font na ginamit sa book, parang never pa akong nakikita ng book na ganun yung gamit na font. Kaya nag-enjoy talaga at natuwa ako sa book. Naisip ko tuloy, pano na kaya pag ginawa na tong script? Pagbasa ko nung script.... masmukhang manga! Naimagine ko lang ha, para syang American comic strip. Kaso narealize ko, hindi pa ako nakakabasa ng American na comic strip (^_^)! Navisualize ko lang naman.

Medyo kwela sya. (^_^)
SHO: Oo nga medyo kwela sya. Sobrang okay na nung book, sobrang okay pa nung script. Pero yun nga eh, okay yung book, okay yung script, so dapat mas okay yung drama. Maspressured nga kami na gawing mas okay sya dahil dun. Parang sa "KisarazuCat's Eye". Yun, sobrang okay nung script nun. Kaya talaga namang nakakapressure nung ginagawa na namin sya. Parang "pano to maspagagandahin pa". Kaya nakakaexcite gawin. Nung binabasa ko yung book (Nazodi) naisip ko "eh di pag di pala umuwi sa mansion yung amo ni Kageyama, wala syang part sa drama?"

A oo nga, kasi nga naman butler sya ng Hosho family. Basically nasa mansion lang sya.
SHO: Oo. Kaya nga naisip ko, mukhang mahirap ang filming nito. Pero nung nabasa ko yung script, mukhang okay naman.

Saka masnakakatawa sya sa drama. (^_^) Parang nag-expand yung character na hindi nasisira yung image nya na nasa libro.
SHO: Oo. Yun nga yung nakakatuwa. Okay sya.

Naeexcite na ako makita lalo na yung scenes na mukhang stalker si Kageyama. (^_^) Pero actually, 2nd day palang ng filming nyo ngayon di ba?
SHO: Oo, kahapon at ngayon.

Kakastart nyo palang pala. Kumusta naman kayo sa set?
SHO: (Medyo nag-isip).... Nagsosolve ng mystery

Hahaha
SHO: Nagsosolve ng mystery kaya nahihirapan kami.


Di ba may mga actions, rather, skills ang mga butler. Tulad sa pagseserve ng meals, pagdadrive, pag escort sa amo.
SHO: U-huh.

Meron ka bang pinaggayahan or ginawang reference?
SHO: Well, binigyan nila ako ng isang araw na, hindi naman training, pero parang practice. Tinuruan ako kung pano magserve ng food, mag-open ng bottle ng wine, tapos pano gumamit ng knife, madaming tinuro sakin. Tapos nanuod ako ng mga movies saka dramas na merong butlers. Maski sa dressing room, di ba dapat hinihila ko din yung chairs nila?
(hinihila para makaupo ng maayos)

Konteng hila lang (^_^)
SHO: Di ba hihilain nang onte? (^_^)

Pag sinabing "butler" saka "Kageyama", anong image ang nabubuo sa isip mong kelangan mong gawin?
SHO: Well isa na yung kelangan kong makuha yung gentleness ni Kageyama sa pagbabantay nya kay Miss Reiko sa kabila ng matalas nyang dila. Hindi naman to talaga kasama sa role pero yung straight na likod. Parang nung isang araw, nung nakita ko sa salamin yung way ng pagbow ko, napansin kong pag nagbabow ako, medyo kuba ako tignan. Lalo pa syang nagiging kapansin-pansin sa pictures saka sa video. Siguro, yun nga. Sisiguraduhin kong straight yung likod ko.

Tingin ko, may pagkakapareho yung character ni Kageyama sayo pagdating sa way ng pananalita saka sa aura...
SHO: Talaga? Pero yan nga ata yung rason kung bakit napakahirap na para sakin ng filming maski pangalawang araw pa lang namin to. Ako mismo kasi naiisip kong may pagkapareho kami ni Kageyama kaso sa mga linya kunyari yung "~po ako", "~po kayo", itong araw lang na to, sobrang dami ko nang mali. Pano ko ba ididesrcibe? Kunyari imbes na "~po ba kayo?", nasasabi ko "~ka po ba?". Akala ko sanay na ako sa ganun kaso maspolite na words pala ang gamit. (^_^) Dun ako nadadali. Nakakalito.

Naeexcite na ako! Pano kaya maitatranslate sa live action yung pagiging, hindi naman sa masakit magsalita, pero yung pagiging pranka saka talaga namang no holds barred na way ng pakikipag-usap ni Kageyama kay Reiko?
SHO: Ngayon palang yun. Sa studio namin kinukunan yung scenes sa loob ng mansion. Yung sa trailer, yung "Miss Reiko, bulag ka ba?" na part, ginawa lang namin yun para sa trailer. Yung totoong scene na gagamitin namin sa drama, ngayon palang namin kukunan. Pero bagong bago to para sakin. In a sense, pareho sya kay Ichito (role nya sa ~Karute) na ngayon ko palang naportray. Wala pa akong naportray na role na medyo indifferent. Pagdating sa mga maliliit na bagay, pareho sya dun sa role ko sa "The Quiz Show" na si Kamiyama. Pero this time, di ako magsasabi ng "Dream Chaaaaance" sabay sayaw noh. (^_^)

Oo nga naman (^_^)
SHO: Oo. Kaya para sakin, bago sya. Naeexcite din ako.

Yung dialogue mo eh medyo....
SHO: marami! (^_^)

Yung role mo dati, si Kamiyama, marami ding lines yun di ba?
SHO: Kamiyama or Kageyama ba to? (^_^)

Okay yun ah (^_^)
SHO: Kanina nag-uusap kami ni Miss Keiko. Pag sa studio (mansion na set up) kukunan yung scene, kaming dalawa lang yun na nag-uusap. Pero pano kung di kaya? Parang ganun yung usapan. Iwan nalang siguro naming unsolved yung mystery (^_^) Pero hindi naman pwedeng ganun so we're left with no other choice but to do it.

Yung sa loob ng mansion, kayong dalawa lang yun na nag-uusap di ba?
SHO: Di ba? Ang hirap di ba?

Kung ganun, mahalagang in sync kayong dalawa?
SHO: Yan, gagawan namin ng paraan habang ginagawa namin yung drama. Yung saming dalawa... Malamang pagpasok namin sa studio, marami naman siguro kaming time na masespend together sa dressing room, saka habang nagfifilm. Kaya okay sana kung makadevelop kami ng ano ba... atmosphere? mood? Basta ng rhythm. Para sakin kase malamang ito nalang yung dramang gagawin ko para sa 2011. Pagkatapos ng "~Karute", tutuloy ako dito so mukhang ito nalang ang acting project ko this year.

Oo nga noh. Last TV drama mo eh yung "Tokuji Kabachi" nung 2010.
SHO: Yeah. Last year naman, sabay kong ginagawa yung "Kabachi" saka "Karute".

Nafeel mo bang ang tagal mo nang di gumagawa ng TV series?
SHO: Oo naman. Lagi naman pero talagang gusto kong pagbutihan yung acting ko dito.

Sinulat mo to sa Johnny's Web na diary mo at medyo natawa ako. First time mong magfilm ng drama sa FujiTV kaya medyo kabado kang nagfifilm sa studio sa Wangan. (^_^)
SHO: Kasi naman di ba? Wala akong alam (^_^). San kaya yung cafeteria? Ano kayang makakain sa cafeteria? Di ba importante
yun?

Iba ba sya pag nagfifilm kayo para sa VS Arashi? Di ba sa Wangan din yun?
SHO: Sobrang magkaiba sila. Parehong studio pero magkaibang magkaiba.

Talaga?
SHO: Yung dressing room, ibang floor. Nung nagcocostume fitting kami, nagpunta ako minsan sa dressing room para sa drama.
Pareho lang sila nung sa dressing room namin sa "VS Arashi". Pero magkaiba ng color. Anong gagawin ko dun sa distance mula
sa studio papuntang dressing room? Anong number ang pipindutin ko sa monitor para makita yung studio? Ganun.

Ah, importante nga yun noh (^_^)
SHO: Wala bang magtuturo sakin? Medyo importante yun eh.

About yung scented candles naman....
SHO: Aah, yun? (^_^) Hindi kasi kami gaanong nagsestay sa dressing room. Dun ako sa make-up room naglalight ng scented candles. Wala lang, naisip ko lang maging stylish.

Sobrang nakakatawa kaya yun.(^_^)
SHO: Gusto ko kasing isipin nilang stylish ako, hanggat di ako nabubuko ah. Iniisip ko kasing istress yung stylish na
character ko. (^_^) Sa maski san pang lugar, gusto kong isipin nilang ganun ako - stylish na actor na nagsisindi ng
scented candles.

(^_^) Kasi nga naman first time mong magsastar sa isang drama under FujiTV di ba.
SHO: Oo. Nga pala, si Mr. Hideaki Tatematsu (Project Coordinator) nakilala ko sya nung ginawa yung Great Hanshin Earthquake documentary drama. Makakasama ko nanaman sya this time. Si Miss Madoka Takiyama (Strategic Planning) saka si Miss Reiko Nagai (Producer), nakasama ko naman sa "Saigo no Yakusoku" (drama special). Marami-rami na rin akong nakasama kaso feeling ko talaga first time ko palang to. Pagdating sa paggawa ng drama series dito. First time kong magsispend ng 3 months... 4 months dito.

Nakakakaba nga.
SHO: Alam mo kung anong nakakakaba? Di ba, Tuesday ng 9 PM ang airing nung drama? yung araw na yun din kami nagtetape ng VS Arashi. Pag nagseset change yung staff, nasa dressing room lang kami, nanunuod ng TV. Pag 9 na, syempre manunuod na ako ng Nazodi. Yung mga siraulong yun (members), makikinuod naman tapos mang aasar. (naiimagine palang ni Sho to, kasi 2nd day palang ng drama nung gawin nila tong interview nato so hindi pa nae-air yung drama)

Naimagine mo?
SHO: Oo. Nakakakaba noh! (^_^) Pero ang pinakaconcern ko talaga eh yung cafeteria.

Ganun ka kadeterminadong masolve yan? Bakit? Pag ba VS Arashi, di kayo pumupunta sa cafeteria?
SHO: Usually kasi, tuwing nagtetape kame ng VS Arashi, nagpapabili lang kami sa manager namin ng "Ninoodles". Nadiscover yun ni Nino nung ginagawa nya yung "Freeter~". Bale noodle soup sya na nilagyan ng suka saka chili oil. Sa TBS naman, merong tinatawag na "Sakurai Soba" saka "Aiba Soba". (^_^) Pag taping ng VS Arashi, kadalasan, Ninoodles ang pinapabili namin. Pero para sa taping ng drama, alangan naman yun nalang at yun ang kainin ko?

Oo nga naman.
SHO: Kelangan ko nang makagawa ng "Sakura Noodles". Ay anlayo na ng pinuntahan ng usapan natin. Sorry, sorry. (^_^)

Okay lang. Maganda naman yung topic natin. (^_^) Tuloy na tayo, idescribe mo naman samin yung costume saka hair ni Kageyama.
SHO: Sa buhok, medyo sinuklay lang palikod yung bangs ko. Yun lang, hindi masyadong iniba yung kulay. Ang pinag-usapan talaga nila eh yung salamin.

Panong pinag-usapan?
SHO: Kung lagi bang nakasuot ng glasses si Kageyama o hindi. Wala sa choices yung kung hindi sya pagsusuutin ng glasses at all. Ang pinagpilian lang eh kung masmadalas ba syang nakasalamin tapos tatanggalin nalang paminsan-minsan? O masmadalas bang hindi sya nakasalamin pero magsusuot paminsan-minsan? Para sa trailer, dalawang patterns yung kinunan namin. Tapos pinag-usapan namin ng staff saka director kung alin masmaganda. Yun, napagdecidean na magsuot nalang sya ng glasses. Sa book din kasi ganun. Yun lang naman yung napag-usapan nang husto. Saka yung tux pala. Kung yung orthodox ba o classic? Sinubukan ko pareho. Yung classic tux medyo malaki yung pants nun di ba. Mukhang cool nga ako dun eh.

Pero sa book, ang maiimagine mong Kageyama e matangkad.
SHO: Oo. Kaya nga naisip ko pano na yung length ng tailcoat nya saka pano na yung pocket watch? Sila na ang nag-iisip kung panong gagawin dun.

Sinasabi mo naman opinion mo sa ganong pagkakataon di ba?
SHO: Sinasabi ko. Sinasabi ko pero... pano ba sasabihin to? Kung anong meron ngayon, resulta na sya ng effort ng lahat. Yung pocket watch, yung pantalon, yung mga yun hindi na gaanong mahalaga yun. Lahat ng ito, resulta ng mabusising trabaho ng lahat ng tao sa set. Hindi na mahalaga kung alin yung "ako yun nag-isip nito", tipong ganun.

Nabigyan ako ng chance na basahin yung script and marami akong tanong sa isip ko ngayon tulad ng sino ba talaga si Karasawa (played by Shiro Ito, retired butler ng Hosho family bago kay Kageyama). Yung sa book kasi, sa chapter 1 lang sya so mahirap ivisualize yung ending nung drama. So naisip ko, pano kaya mag-eend yung drama?
SHO: Happy ending (^_^)?

Medyo malabo pa sya di ba? (^_^)
SHO: Oo, yung unang episode ganun nga. Parang "bakit kaya gusto nyang maging butler?" Maraming kayang gawin si Kageyama. Matalino sya, marami syang alam. Magandang trabaho din naman ang pagiging butler pero yung mga taong nag-iisip na may masmagandang trabaho kesa sa pagbabutler, siguro naisip nila "Bakit kaya nya piniling maging butler?". Yun yung isa sa mga main points ng story.

Parang meron pang ibang kwento bukod sa pagsosolve nila ng mystery.
SHO: Oo. Pero ako, hindi ko pa alam kung pano mag-eend yung drama.

Dahil ba dun kaya ka interesado kung ano kakalabasan nung kwento?
SHO: Nakabase naman sya sa book pero yung script na nareceive ko hanggang 2nd episode palang. Syempre curious ako kung anong mangyayari sa mga susunod na episodes.

Ikaw ba yung tipo ng taong magtatanong kung anong mangyayari sa future o yung tipong aantayin nalang yung script?
SHO: Gusto ko itanung kung ano nangyari sa backbone ni Kageyama. (^_^) Nagmemorize lang kasi ako ng linya ko kaya ngayon ko lang naisip yung tanong na yun.

Sobrang naeexcite na rin ako sa mga developments na sa drama lang makikita. Bagay din kay Miss Keiko yung role nya.
SHO: Oo nga. Pano ba to sabihin? Hindi mo pagdududahan yung pagkatao nya? O meron sya nung cuteness ng isang anak mayamang pinalaki nang maayos. Hindi sya yung tipong nonsense na tao, matuwid sya mag-isip. Grabe din yung costumes nya. Iba-ibang patterns. Maeenjoy din to ng female viewers. Tapos ibang kwento na to. Nung nagmeet yung cast, nakita ko si Anri Okamoto (National Police, policewoman). Sya yung gumanap na batang Shoko sa "Yatterman". Nung natapos ko na basahin yun book, lumapit sya sakin tapos sabi nya "Long time no see po!". Ang nasabi ko lang talaga nun, "Ooooy! Ang laki mo naah!"(^_^). Pagkasabi ko nun, naisip ko 'tumatanda na talaga ako' (^_^).

(^_^)
SHO: (^_^) Nakakatuwa nga kasi si Mr. Toru Nomaguchi (police sa drama), nakasama ko yun sa "Kamisama no Karute". Tapos si Mr. Yasuhi Nakamura (forensics investigator) naman, nagguest dati sa "Kabachi". Si Miss Haruka Kinami naman na kasama namin kanina, guest din sya dati sa "Kabachi".

So parang "uy! nagkita tayo uli!" ang feeling?
SHO: Oo. Kaya medyo masaya ako.

Masaya nga, kasi yung fact na nagkaron kayo uli ng chance to work together reminds you na patuloy kayong nabibigyan ng projects. Naeexcite na ako makita yung role ni Mr. Keppei Shiina na kung ano ano ginagawa. Tingin ko kasi mas exposed sya sa kung ano anong bagay kesa kay Kageyama.
SHO: Hindi kasi kami madalas nagkakasama sa scenes.... Sobrang excited din ako. Hindi ko pa napapanood yung parts nya. Kanina nga nag-uusap usap lahat parang "sobrang nakakatawa si Mr. Shiina kahapon noh?". Napag-iwanan na ako.... parang ganun (^_^). Ganun kami nagtetape.... Kaya gusto ko nang panuorin pag na-air na.

Hindi ito isang detective drama pero nagsosolve kayo ng mystery saka may suspense, may comedy din, tapos baka may love story. Anong genre kaya pwedeng ilagay tong dramang to?
SHO: Di ba? Ganun nga rin naisip ko. (^_^)

Kaya nga siya lalong interesting.
SHO: Sobrang kwela kasi nya di ba? Nung binabasa ko din yung script, natuwa ako kasi kwela. Yung suspense na part, yung part na nagsosolve ng mystery yung mga bida, sobrang kwela. Kaya naisip ko maeenjoy din to ng mga bata. Pag nagsosolve ng mystery si Kegayama, parang da-da-da-da sa bilis! Parang isang hingahan lang nasosolve na nya yung mystery. Yung masarap na feeling na mafifeel mo lang pag nakasolve ka na ng isang mystery, gusto sanang maenjoy ng lahat yun.

1 comment:

waltinoberdorf said...

Casino Apps for Android - JtmHub
› michael-matthews › online › app › casino-apps › michael-matthews › 서산 출장안마 online › app › casino-apps Nov 10, 2021 — 남원 출장마사지 Nov 10, 2021 The ultimate 안산 출장샵 casino app. Enjoy playing casino games online for 대구광역 출장마사지 fun or 경상남도 출장안마 for real money.